Mga laro ngayon (San Juan Arena)

2 n.h. – Phoenix-FEU vs. QSR/JAM Liner

4 n.h. -- AMA vs. BDO-NU

Itataya ng Phoenix Petroleum-FEU ang malinis na karta sa pagsagupa sa QSR/JAM Liner sa unang laro nang nakatakdang double-header sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup sa San Juan Arena.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakatakda ang laro dakong 2:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng AMA Online Education at BDO-National University sa ganap ng 4:00

Huling ginapi ng Accelerators ang AMA sa kahanga-hangang paghahabol para sa 114-102 desisyon nitong Pebrero 2.

Umaasa si Accelerators Coach Eric Gonzales na unti-unti nang makakaalpas ang kanyang players sa pagiging mapagbigay at mag-relax sa sitwasyon na nakakaabante ang koponan.

Handang magbigay ng kanilang lakas at katatagan sina Mike Tolomia at Roger Pogoy kasama sina Mac Belo, Raymar Jose at Ed Daquioag.

Samantala, magkukumahog naman sa pagbangon mula sa nalasap na ikalawang kabiguan sa loob ng tatlong laban ang Maroons laban sa Café France.

Unahan naman sa pagbangon ang AMA Online Education at ang BDO-NU.

Huling natalo ang AMA sa Phoenix Petroleum na nagbaba sa kanila sa barahang 0-2, habang nabigo ang Bulldogs laban sa Bakers, 86-110, para sa 1-1 karta. - Marivic Awitan