Inihayag ng Intramuros Administration (IA) na maglalaan ito ng mahigit sa kalahati ng P410 milyon budget nito ngayong 2016 para mabigyan ng relokasyon ang nasa 1,700 pamilya ng informal settler sa Intramuros, Maynila.

Sinabi ni Marco Sardillo III, IA administrator, na maglalaan sila ng P200-P300 milyon upang mabigyan ng pabahay ang mga residente sa TUCP, sa harap ng National Commission for Culture and the Arts; sa mga compound ng “maisan” at “plastikan”; sa “banana island”; at sa Pagong Real Property.

Ililipat sa Bacoor, Cavite, magtatayo ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ng pabahay na nasa P450,000 bawat isa. Ipauutang ng ahensiya ang kalahati ng kabuuang halaga, habang babayaran naman ng IA ang kalahati bilang subsidiya. - Samuel Medenilla
Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?