Kris Aquino

TRULILI kaya ang narinig naming tsika sa presscon ng Pangako Sa ‘Yo sa 9501 Restaurant sa ELJ Communications Building ng ABS-CBN last week na may pinaplanong pagbabago sa concept ng programang KrisTV?

Ang narinig naming tsikahan ng taga-Dos, hindi na magazine show ang format ng bagong programa ng Queen of All Media kundi isang talk show.

Masyadong broad or wide-ranging kapag sinabing talk show kaya feeling namin, anything goes ang pag-uusapan sa magiging bagong programa.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

May narinig din kaming tsika na si Ka Tunying o si Anthony Taberna ang magiging co-host ni Kris sa bagong programa.

“Same time slot pa rin,” narinig pa naming tsikahan ng mga taga-Dos.

Kung si Anthony Taberna ang co-host ni Kris, curious kami kung ano ang mga pag-uusapan ng dalawa na parehong nambubuking.

Mukhang exciting ang tambalang Kris at Ka Tunying kaya interesado rin kami kung ano ang magiging titulo nito.

Nagtanung-tanong kami pero wala pang tiyak na petsa kung kailan ito magsisimula, kasi may nagsabi na kalagitnaan ng Pebrero pero may sumagot naman sa amin na sa Marso na raw ang bagong show ng Queen of All Media. —Reggee Bonoan