Sa Auburn Hills, Mich., tumipa ng krusyal 3-pointer sina Anthony Tolliver at Reggie Jackson sa final quarter para gabayan ang Detroit Pistons sa 111-105, panalo kontra New York Knicks, noong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Nagawang makabangon ng Knicks mula sa 27 puntos na bentahe ng Pistons sa second half at agawin ang kalamangan sa 97-95 mula sa layup ni Robin Lopez. Muling nakuha ng Pistons ang bentahe sa 101-97 sa 3-pointer ni Tolliver, bago sinundan ng isa pang 3-pointer ni Jackson para mapatatag ang bentahe ng Pistons.

Tumapos si Jackson na may 21 puntos, habang kumana si Stanley Johnson ng 22 puntos at 9 na rebound. Hataw din si Andre Drummond sa kanyang 17 puntos at 13 rebound.

Nanguna sa Knicks si Lopez sa naiskor na 26 na puntos at 16 na rebounds, habang tumipa si Carmelo Anthony ng 19 na puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!