Sa Los Angeles, ipinahayag ni Lakers guard Jordan Clarkson na makikiisa siya sa isasagawang Skills Challenge sa NBA’s All-Star Weekend sa Toronto.

Kinupirma ng Los Angeles Times nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) na napili ang 23-anyos Filipino-American para sa naturang event ng All-Star Weekend sa Pebrero 12.

Bukod sa Challenge, makakasama ni Clarkson ang kasanggang si D’Angelo Russell sa Rookie-Sophomore game para sa Team USA labana sa Team World na binubuo ng mga international-born player.

Kasama rin sa Challenge sina Karl-Anthony Towns, Draymond Green, Anthony Davis, Patrick Beverley, CJ McCollum at, Isaiah Thomas. Si Beverley ang defending champion.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA