DAHIL sa Born To Be Star na mag-uumpisa na ngayong gabi sa TV5 produced ng Viva TV, nalipat sa Linggo ang #ParangNormalActivity.

Ang inaabangang singing contest sa TV5 ay iho-host nina Ogie Alcasid, Yassi Pressman at Mark Bautista at sina Pops Fernandez, Rico Blanco, Aiza Seguerra at Andrew E naman ang judges.

Alam mo ba, Bossing DMB na hinihintay lang pala si Aiza na bumalik sa ASAP 20 kapag wala na siyang commitment sa ibang TV network.

But since kasali na si Aiza sa Born To Be Star, mukhang matatagalan bago siya makabalik sa ASAP 20.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang masuwerte ay si Andrew E dahil puwede siyang tumawid sa TV5 at ABS-CBN dahil kasama siya sa seryeng Dolce Amore bilang asawa ni Sunshine Cruz.

Ayon naman sa sikat na rapper, alam naman daw ng Viva ang tungkol sa Dolce Amore at hindi naman magkatapat at magkaibang genre ang mga ito.

Kaya sa mga singer na hindi pumasa sa ibang singing contest, baka kayo ang hinahanap ng Born To Be A Star.

(Reggee Bonoan)