TATLONG magkakaklase sa high school ang muling nagkita-kita sa isang class reunion. “Sa aming bayan,” pag-uumpisa ng unang lalaki, “’Monsignor’ ang tawag sa akin ng mga tao dahil ako ay isang lay minister.” Sumagot naman ang pangalawang lalaki ng: “Well, ako naman ay isang charismatic elder. Naghahayag ako ng spiritual talk kaya’t ang tawag nila sa’kin ay ‘Cardinal’.” Hindi naman nagpatalo ang pangatlong lalaki at sinabing: “Mas higit ako sa inyong dalawa. Ako ay isang sales representative na nagbabahay-bahay pero ako ay isang collector sa isang simbahan tuwing may misa. Marami ang tumatawag sa’kin ng ‘GOD.’”
“Ano, Panginoon? Paano nangyari ‘yon!” tanong sa kanyang ng kanyang mga dating kaklase. “Tingnan mo, kapag ako ay kumakatok sa mga pintuan ng mga bahay at nakita na nila ako, nabubulas nila na, ‘My God, my God, ikaw na naman!” paliwanag ng sales representative.
Ang gospel ngayong ikalimang Linggo ay tungkol sa pagtawag ni Jesus sa kanyang unang apostol—isang samahan ng mga simpleng mangingisda. “They left everything”--their work, their boats, their families--and followed him (Lk 5,11).
Ngunit nakalulungkot na marami ang nag-aakala na ang pagtawag ni Kristo ay para lamang sa mga apostol at kanilang successor, para sa mga pari, bishop at pope.
Ito ay hindi totoo at maling akala. Ang bawat Kristiyano ay kabilang sa ministry of healing, preaching at pagtuturo ng kabutihan. Ang kuwento ng tatlong magkakaklase ay magandang halimbawa nito.
Paano ka magiging apostol ni Kristo o “fisher of men”? Magagawa mo ito sa pakikiisa sa mga aktibidad ng inyong simbahan. Sa kasalukuyan ay maraming nagsasakripisyo ng kanilang oras, talent at yaman para sa kanilang simbahan, bilang lay minister, lector, collector, choir member, at catechist.
Mayroon ding mga taong nakikiisa sa iba’t ibang organisasyon ng simbahan katulad ng Legion of Mary, Knights of Columbus, Catholic Women’s League at renewal movement katulad ng Marriage Encounter, Couples for Christ, at El Shaddai. (Fr. Bel San Luis, SVD)