ANG pinal na bersiyon ng iminumungkahing Public-Private Partnership (PPP) Act, na may layuning pag-ibayuhin ang programa para sa sustainability ng bansa, ay pinangangambang maging sanhi ng pagbagal ng kaunlaran ng Local Government Units (LGUs).
Nailahad na ang ilan sa mga pangamba at pagtutol laban sa Bill 6331 at Senate Bill 3035 na nagre-require na ang lahat ng local government ordinance sa PPP ay ibabasura.
Muli, nakasaad sa HB 6331 at SB 3035 na: “Joint Venture Guidelines issued by LGUs, and PPP Codes issued by LGUs, are hereby repealed.”
Ang mga probisyong ito sa ilalim ng PPP act ay maaaring makagulo sa kasalukuyang proyekto ng local government at makapagpatamlay sa kapangyarihan ng mga lungsod at munisipalidad na makapagpataas ng kita, ayon kay dating Justice Secretary Alberto C. Agra, certified PPP specialist.
Ang PPP program, na isinusulong ng business groups, ay isa sa mga pag-aari ng administrasyong Aquino.
Ilan sa mga probisyon ng PPP Act ay nakikita ng Agra bilang kasalungat sa kanilang mga layunin dahil ito ay nakasentro sa kapangyarihan ng programa sa “Imperial Manila”, sa halip na hayaan anglocal government units sa pagpapatupad nito.
Ang PPP program, kapag maayos na naipatupad, ay makatutulong sa LGUs na mas palawigin ang sarili nilang PPP.
Kapag ang PPP Act ay naaprubahan, sa pamamagitan ng HB 6331 at SB 3035, ang ilan sa 62 LGU-PPP code at mahigit 30 ongoing o naaprubahang proyekto ng PPP at ang local government level ay maaapektuhan. Sa kasalukuyan, nasa 12 lamang ang aprubadong PPP project sa national level, ang iba ay patuloy na tinatalakay sa korte.
Parehong naniniwala ang Agra at si Partylist Rep. NeriColmenares na ang iminumungkahing PPP Act ay isang hadlang sa LGU.
Nais naming batiin ang mga may-ari at manager ng anim na hotel sa Boracay Island at ang pamumuno ni Aklan Governor JoebenMiraflores, Dr. Henry O. Chusuey, Diony Salme, chairman at president, ayon sa pagkakasunod, ng Boracay Foundation, Inc. sa kanilang pagpupursige na ipaalam ang kagandahan ng isla.
Pasok sa Top 25 ang anim na hotel sa isla ng Boracay base sa 2016 Travellers Choice of Trip Advisor. Narito ang anim na hotel na napili: Villa Camilla, Boracay Beach Club, Sharangri-La, The District, Discovery Shores, at Boracay Mandarin. (Johnny Dayang)