Isang jeepney driver ang maaaring pagmultahin ng P15,000 matapos tumangging magbigay ng senior citizen’s discount sa isang babae, sinabi ng isang opisyal ng transportasyon nitong Martes.

Sa reklamong inihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinabi ni Rosa Domingo, 75, na bumibiyahe siya kasama ang kanyang babaeng apo sa Bagong Silang, Caloocan City noong Enero 22 nang singilin sila nang sobra ng driver ng jeep.

Sinabi ni Domingo na karaniwa’y P10 lamang ang kanyang pamasahe, ngunit siningil siya ng P13. Ang kanyang apo ay siningil ng P15 imbes na P13 lamang.

Sinabi ng apo ni Domingo sa driver na senior citizen ang kanyang lola, ngunit hindi sila pinansin ng driver, kayat bumaba na lamang sila ng jeep.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon kay LTFRB board member Lawyer Ariel Inton, ipinatawag na ng Board ang operator ng jeep na may plate number TWD 743 at ang driver nito para dumalo sa pagpupulong sa kaso sa Pebrero 10, 9:00 am, sa LTFRB main office sa Quezon City. (PNA)