Mainit ang pagtanggap kay Liberal Party presidentiable Mar Roxas nang siya’y bumisita kahapon sa ilang lugar sa probinsiya ng Rizal.

Sinalubong siya ni Governor Jun-jun Ynares sa Kapitolyo kasama ang daan-daang tagasuporta.

“‘Yung iba madalas bumisita dito sa atin dahil kailangan pang magpa-pogi. Itong ating bisita, hindi na kailangan magpapogi,” sabi ni Ynares.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ihinayag din ni Ynares na malaki ang naitulong ni Roxas sa probinsiya ng Rizal habang kalihim pa ito ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kahit hindi lantarang inendorso ni Mayor Jun-jun Ynares si Roxas ay naki-flash ng “Laban” sign si Ynares kasama ang iba pang mga alkalde.

“Hindi excitement ang hinahanap natin. Ang hinahanap natin, ‘yung may subok na kakayahan na dalhin tayo sa magandang bukas,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Samantala, inendorso naman ni Binangonan Mayor Boyet Ynares si Roxas. “Ang Binangonan ay suportado po kayo,” sabi ni Ynares. Ikinatuwa ni Roxas ang nakuhang suporta mula sa Rizal. “Magkasama tayo dito sa mahalagang laban na ito, at nakita rin natin sa kung tayo’y magkasama, walang hadlang sa ating pagkamit ng ating tagumpay,” sabi ni Roxas.

(Beth Camia)