Pinayuhan ni Liberal Party presidential candidate Mar Roxas ang kanyang karibal na si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, na huwag siyang gawing virtual platform of government matapos siyang muling patamaan ng huli, sa pagkakataong ito, kaugnay sa isyu ng Yolanda rehabilitation.

Sinabi ni Roxas nitong Martes na ang walang tigil na tirada ni Duterte laban sa kanya ay nagpapatunay lamang na wala itong kongkretong plataporma na maipipresinta sa publiko at sa halip ay inililihis ang mga isyu sa pamamagitan ng masasamang komento laban sa kanya.

“Our friend Rody Duterte is just looking for ways to make himself relevant,” pahayag ni Roxas na unang inakusahan si Duterte ng paggamit sa kanya upang umangat sa mga survey.

Si Duterte ay nasa pang-apat na puwesto sa huling resulta ng mga survey na muling pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kanyang panig, sinabi ni Roxas na malinaw ang kanyang plataporma sa gobyerno, na ipagpatuloy ang mabuti at tapat na pamamahala at ipursige ang paglikha ng mas maraming trabaho sa bansa.

Inakusahan ni Duterte si Roxas na bumigay sa kasagsagan ng pagtugon ng gobyerno sa pananalasa ng Yolanda noong Nobyembre 2013. (Aaron B. Recuenco)