AUCKLAND (AFP) — Nilagdaan sa New Zealand nitong Huwebes ang US-led Trans-Pacific Partnership, isa sa pinakamalaking trade deal sa kasaysayan, habang nagpoprotesta ang mga demonstrador sa pangamba kaugnay ng mga trabaho at soberanya.

Ang ambisyosong kasunduan, nangangakong aalisin ang halos lahat ng taripa sa 12 kasaping bansa, ay naglalayong buwagin ang mga balakid sa trade and investment sa mga bansa na bumubuo sa 40 porsiyento ng ekonomiya ng mundo.

“Today is a significant day, not only for New Zealand but for the other 11 countries in the Trans-Pacific Partnership,” pahayag ni New Zealand Prime Minister John Key.

Ang kasunduan ay nilagdaan ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, United States at Vietnam.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'