NAGUGUNITA ko pa ang mga katagang binitiwan ni dating Executive Secretary Ed Ermita noong siya ay nasa serbisyo pa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas bilang Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations na, “Ano ba ang problema ng gobyerno? Pagbigyan na lang ang sibilyan na magkaroon ng kahit ilang baril. Ang importante may lisensya ito. Basta rehistrado sa pulis. Kung gamitin man sa krimen, may paraan ma-identify kung sino ang may-ari, at maaaring habulin sabay dalhin sa korte.”

Madalas sumagi ang usapin tungkol sa pagdadala ng baril sa kabila ng Comelec gun-ban na ipinatutupad dahil sa halalan. Ano ba talaga ang pinakatampok na dahilan o dulong talino bakit ipinagbabawal ng Comelec ang mga taong may “permit to carry” o dati ay awtorisado ng mismong tanggapan ng Chief PNP na magbitbit ng kanilang panangga kontra krimen? Unang paniguro sa buhay?

Sa tantsa ko, upang maiwasan ang sabuyan ng gasolina ang nagbabagang sargo ng kampanya sa pagitan ng mga taga-suporta ng magkakalabang kandidato at ganap na ilayo sa kapahamakan ang bawat kampo – baka sa armas ay gawing sona ng gera ang isang bayan o lalawigan. Una, mali ang pinaghuhugutang basehan ng Comelec dahil kung lahat ng baril na gagamitin sa labanan ay lisensyado, eh di sabit lahat pati ang kandidato.

Kaya malaki ang posibilidad na hindi mangyayari ang ganito. Bakit noong unang panahon nagkakaroon ng mga kaguluhan? Dahil wala pang PNP noon. Ang pulis dati ay hawak ng alkalde. Kaya nagagamit ang pulis noon sa pulitika, habang ang kalaban ay dapat armado rin. Kung sumabog ang labanan sa bayan-bayan noong panahon ng halalan, nilalagay sa “control” ng Philippine Constabulary ang lokal na pulis.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Samakatuwid, ano ang tunay na dapat puksain ng mga awtoridad sa panahon ng eleksiyon at kahit sa pangkaraniwang araw? Ang dati ng suliranin -- paglipana ng ilegal na armas at baril. Malinaw na ayaw natin sa armadong kaguluhan lalo sa halalan. Kung ganito pala ang problema, bakit ang masunurin at matitinong mamamayan ang paulit-ulit na pinipitpit ng mga may kapangyarihan?

Bakit ang mga taong pinayagan “mag-karga” at kinikilala ng PNP Chief na may banta sa kanilang buhay ang sinisipat ng Comelec? Pananagutan ba ng Comelec ang buhay ng may buhay? Ang buhay ng kanilang pamilya? Si Mayor Herbert Bautista nagsalita na para sa lokal na opisyales. Mantakin mo, pati ilang nanganganib na media inalisan din! (Erik Espina)