VATICAN CITY (AP) — Pinasinungalingan ng Vatican ang pahayag ng isang U.S. film studio na lalabas sa isang pelikula ang papa, sinabing walang mga kinunang eksena para sa sinasabing pelikula at hindi artista ang papa.

Nakasaad sa press release ng Los Angeles-based AMBI Pictures na: “Film Will Mark First Ever Big Screen Participation Role for the Leader of the Worldwide Catholic Church.”

Inamin ni Monsignor Dario Vigano, pinuno ng communications operation ng Vatican, na hindi niya isinasantabi na maaaring nakunan ng mga filmmaker ng ilang clip ang papa. Ngunit sa pahayag sa Vatican Radio nitong Martes, pinasinungalingan ni Vigano ang press release na nagsasabing si Francis ay lalabas “as himself” sa pelikulang “Beyond the Sun.”

Diin ni Vigano: “The pope is not an actor.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inilarawan ng AMBI ang pelikula na “a family adventure story where children from different cultures emulate the apostles while searching for Jesus in the world around them.”