Manny Pangilinan
Manny Pangilinan
Hindi gaya ng ibang opisyales na kapit tuko sa posisyon,tuluyan nang iiwanan ni sports patron at businessman Manny V. Pangilinan (MVP) ang hinahawakang pinakamataas na posisyon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas ngayong huling linggo ng Pebrero.

Ito ang sinabi mismo ni Pangilinan matapos gawaran ng karangalan bilang “Sportsmen Who Make It Happen” sa ginanap na Spin.ph awards noong Sabado ng gabi kasama ang iba pang sports personalities at mga atleta na nag-ambag ng malaking pagbabago sa komunidad ng sports sa bansa.

“I would like to thank everyone for this recognition,” sabi ni Pangilinan na pinangunahan ang pagkampanya ng bansa sa internasyonal na torneo at pamumuno sa binuong grupo upang asikasuhin ang pagsasagawa ng 2016 Rio Olympic Qualifyng Tournament.

“I will retire from the SBP,” sabi agad ni Pangilinan, na isa na sa opisyales ng FIBA. All my colleagues wanted me to stay but I want to stick to the rules. Rules are rules, and besides,I am the one who had the hands in creating that Constitution and By Laws two years ago. It’s not good being the one to have made the rules and then broke it,” wika nito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umaasa naman si Pangilinan na ipagpapatuloy ng bagong mamumuno sa SBP ang nasimulang programa sa Gilas national pool at ang paglahok ng bansa sa internasyonal na torneo.

“I will still be around,” ayon pa kay Pangilinan habang hiniling ang patuloy na pagsuporta ng lahat para sa hangarin ng asosasyon na maitulak ang bansa na makatuntong muli sa Olimpiada matapos ang 43 taong pagkawala.

Nakatakda namang isagawa ng SBP ang kanilang eleksiyon ngayong Pebrero. - Angie Oredo