IGINIIT ni Senate Minority Floorleader Juan Ponce Enrile (JPE) na si Pangulong Noynoy Aquino ay may papel sa kahindik-hindik na pagkamatay ng 44 Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) commando kaugnay ng Oplan Exodus noong Enero 25, 2015 upang dakpin ang teroristang si “Marwan” at kasamang si Basit Usman na nagtatago sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa loob ng pitong oras, kinuwestiyon ni JPE ang mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa kanilang mga nalalaman sa trahedya. Tahasang inakusahan ng beteranong senador na si PNoy ay nagkanlong sa likuran ni suspended PNP Director General Alan Purisima upang makaiwas sa pananagutan sa palpak na operasyon.

Naniniwala ang “Leon ng Cagayan” na dapat managot ang binatang Pangulo sa madugong insidente dahil pinili niyang ma-compartmentalized ang operasyon na tanging sina Purisima at ex-SAF director Getulio Napeñas ang nakaaalam dito. Bukod dito, hindi rin daw kumilos ang Pangulo upang tulungan ang mga nagigipit na SAF commando sa pamamagitan ng pag-uutos sa AFP na magpadala ng reinforcement habang binabanatan ng MILF at BIFF.

Gayunman, iginiit ni Sen. Grace Poe na hindi mababago pa ang report ng kanyang komite (Committee on public order and dangerous drugs) na nagsasaad na si PNoy ay “ultimately responsible”. Gayundin ang ulat ng PNP Board of Inquiry (BOI) na pinamunuan ni PNP Director Benjamin Magalong na nagsasaad na binali (break) ni PNoy ang chain of command ng PNP. Ibig sabihin nito, hindi ipinaalam ng Pangulo ang operasyon kina ex-DILG Sec. Mar Roxas at ex-PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina. Pagkatapos ng isang taon, nagturuan lang ang mga opisyal ng PNP at military kung sino ang nagkulang sa operasyon at pagtulong sa pinagbabaril na SAF 44 sa maisan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa pagbisita ni Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko sa bansa, lalong pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Japan na minsan ay sumakop at puminsala sa ating bayan. Si Akihito ay 82 anyos at si Michiko ay 81 naman. Una silang dumalaw sa ‘Pinas noong 1962 nang si Akihito ay isa pa lang Crowned Prince. Nais ng mga Pinay na ginawang “comfort women” ng mga sundalong Hapones na humingi ng paumanhin ang Japan sa Pilipinas, at pagkalooban din sila ng tamang compensation tulad ng ginawa nito sa mga Koreanang “comfort women noong World War II.” (BERT DE GUZMAN)