Makukulong ng 20 hanggang 40 taon ang isang tao na napatunayang nameke ng titulo ng lupa.
Sinabi ni Rep. Alfredo D. Vargas III (5th District, Quezon City) makatutulong ang pagpapatindi ng parusa laban sa mga namemeke ng mga titulo upang mahinto ang tiwaling gawain ng mga tao tungkol sa lupa.
Ayon kay Vargas, ang integridad ng titulo ng lupa ay ginagarantiyahan ng Torrens System of Registration, at ito rin ang pinakamabisang ebidensiya sa pagmamay-ari ng lupa o ng Certificate of Title.
Sa ilalim ng panukalang batas, papatawan ng parusang reclusion temporal (katumbas ng 20 hanggang 40 taong pagkakakulong) at multang P50,000 ang nameke ng certificate of land title o anumang land patent application, deed, instrument o dokumentong sumusuporta dito. (Bert de Guzman)