Nasunog ang barracks ng PNP-Special Action Force (SAF) sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City nitong Huwebes ng gabi dahil sa pag-overheat umano ng isang electric fan.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Fire Department, dakong 11:00 ng gabi nang makarinig ang mga naka-duty na SAF ng mahihinang putok sa loob ng barracks na hinihinalang nagmula sa mga nakaimbak na bala.

Tiniyak ng SAF na walang nakatambak na bomba o anumang uri ng pampasabog sa loob ng kanilang barracks.

Maagap na naapula ang sunog bandang 11:20 ng gabi at walang napaulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa apoy. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Kakai sa di kakain ng karne pero pumapatol sa may asawa: 'Maggulay ka na lang bhie!'