Enero 30, 1826 nang makumpleto ang Menai Bridge, na ikinokonsidera bilang unang modernong suspension bridge sa mundo na nag-uugnay sa Wales at sa maliit na isla ng Anglesey sa United Kingdon (UK). Ang Scottish civil engineer at arkitektong si Thomas Telford ang nagdisenyo ng tulay.

Itinayo ang Menai Bridge nasa 30 metro ang taas mula sa tubig, at may layong 175 metro at gumagamit ng 16 na malalaking kadena.

Sinimulan ang konstruksiyon noong 1819 gamit ang stone pillars, na ang mga bato ay nagmula sa Penmon quarry.

Bago maitayo ang tulay, nagdulot ng ilang paglubog ng bangka ang paiba-ibang klima. Mula 1800, mas maraming tao ang tumawid sa ilog upang magpunta sa Emerald Isle sakay ng ferry boat.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon