MELBOURNE, Australia (AP) – Umusad sa finals ng Australian Open si Novak Djokovic matapos nitong gapiin ang four-time winner na si Roger Federer, 6-1, 6-2, 3-6, 6-3 sa kanilang semifinals match sa Rod Laver Arena.

Nauna rito, lumapit naman si Serena Williams sa isa na namang panibagong Grand Slam milestone makaraang talunin si Agnieszka Radwanska 6-0, 6-4, sa semifinal ng women’s singles.

Kung magwawagi si Williams sa kanyang nakatakdang finals match kontra kay No. 7-seed Angelique Kerber, mapapantayan niya ang record na naitala ni Steffi Graf na 22 Grand Slam singles title, isang record na naitala sa Open era at ikalawang pinakamarami kasunod ng 24 ni Margaret Court.

Maganda ang senyales sa simula ng laban para sa 17-time Grand Slam champion at No. 3-ranked na Federer kontra sa defending 5-time champion na si Djokovic na nakasalta sa kanyang ika-6 na sunod na finals sa Australian Open.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit mabilis ding naputol ang magandang simula ni Federer nang ma-break siya ni Djokovic sa 8th game upang makalamang, 5-3.

Kasunod nito ay nagawang i-hold ni Djokovic ang tatlong match points sa sumunod na laro para mapanalunan ang laban sa loob ng dalawang oras at 19 na munuto.

Dahil din sa panalo, lamang na ngayon si Djokovic, nagmamay-ari ng tatlong Grand Slam titles noong isang taon, 23-22 sa loob ng 45 beses na paghaharap nila ni Federer.

“Definitely I’ve played unbelievable the first two sets but that’s what is necessary against Roger,” ani Djokovic.

“He’s been playing on a very high level at this tournament and he dropped only one set. I came up with the right intensity, great concentration.”

Nakatakdang makasagupa ni Djokovic sa finals ang magwawagi sa pagitan nina No. 2-ranked Andy Murray at Milos Raonic.