XIAN, ANGEL AT VILMA copy

HINDI maipaliwanag ni Xian Lim ang naramdaman habang pinapanood ang pelikulang Everything About Her sa kanilang premiere night kasama ang buong cast at ganoon din ang mga taong malalapit sa kanya, ang buong pamilya niya at ang inspirasyon niyang si Kim Chiu.

Ano ang naramdaman niya habang pinapalakpakan ang mga eksena nila ni Ate Vi?

“Sobrang nanay siya talaga… Kumbaga, everytime na magkaekseana kami, eh, talagang andu’n ang suporta niya sa akin.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sobrang hanga ako sa kanya, imagine sa status niya, eh, hindi niya ipinagkait ang suporta niya.

“Sobrang mahal na mahal ko na talaga ngayon ang isang Vilma Santos,” sagot ni Xian Lim nang makorner namin pagkatapos ng premiere night.

Kung hindi nga raw si Vilma Santos ang kaeksena niya, baka hindi ganoon kaganda lumabas ang acting niya.

Ano ang motivation na ginawa sa kanya ng Star for All Seasons?

“Well, basta ang masasabi ko lang, sobrang laki ng suporta na ibinigay sa akin ni Tita Vi. Si Tita Vi, eh, hindi pala talaga siya nanonood ng preview after na gawin niya ang isang eksena. Kaya tinanong ko nga siya kung bakit ayaw niyang panoorin, sabi niya, eh, mas gusto raw niya ang ganu’n para magmukhang raw lagi.

“Kaya ‘yun na rin ang ginawa ko. Ginaya ko si Tita Vilma, hindi ko na rin pinapanood ang preview kaya siguro every take namin, eh, mas nabibigyan ko ang gusto nilang gawin ko,” kuwento ni Xian.

Ano ang komento niya sa mga papuri sa kanya ng mga nakapanood sa pelikula nilang Rated A pa mandin ng Cinema Evaluation Board?

“Well, marami pa tayong bigas na kakainin,” sagot agad ni Xian.

May mga humuhusga dati sa acting ni Xian. Hindi raw marunong umarte. Pero tama si Vilma Santos na hahangaan sa Everything About Her ang actor.

“Ako talaga, eh, nagulat sa sinabi ni Ate Vi,. Marami pa pong challenges at marami pang dapat akong pag-aralan.

Basta ‘pag binigyan tayo ng project, eh, lalo ko na lang dapat na paghuhusayan pa,” sabi ni Xian.

Nakasuporta rin si Kim Chiu kay Xian. Kahit busy ang aktres, gumawa ito ng paraan na matapos agad ang pictorial para makadalo sa premiere night.

“Siyempre, thankful ako sa kanya. Ang hirap nga, eh, dahil do’n pa sa bandang itaas siya napaupo at malayo sa akin, parang gusto ko agad ibulong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa acting ko,” napatawang banggit ni Xian.

Expected niyang darating si Kim dahil ilang araw niya itong paulit-ulit na inimbitahan. Pagkatapos ng movie, ibinulong agad nito sa kanya na proud ito sa acting na ipinakita niya.

“Hindi talaga ako sanay na makarinig ng mga gano’ng papuri kaya tsini-treasure ko na lang ngayon ang oras na ito.

Parang sobrang nasa cloud nine tayo,” sey ni Xian.

Kung katabi ni Xian sina Ate Vi at Angel, katabi naman ni Kim ang mga magulang at kamag-anak ng aktor.

“Well, natatakot nga ako, baka kung ano ang masasabi ni Mommy tungkol sa akin kay Kim. Pero si Mommy naman, eh, chill lang ‘yan,” natawang sabi ni Xian.

Sila na ba talaga ni Kim?

“Well, saka ko na sasagutin ‘yan. Kumbaga, sa susunod na presscon na ‘yan. Basta sa ngayon, eh, nagpapasalamat ako sa Star Cinema at sa lahat lahat na involved sa pelikula naming ito,” seryosong pagtatapos ni Xian Lim. (JIMI ESCALA)