Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Martes na maaaring tanggalan ng lisensiya ang isang driver ng jeep na pa-zigzag kung magmaneho, kilala rin bilang “patok”.

Magugunita na isang “patok” driver ang naging laman ng mga balita nitong nakaraang linggo matapos mahuli na paese-eseng nagmamaneho sa isang video na kumalat sa social media.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Ariel Inton na irerekomenda nila sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang lisensiya ng jeepney driver. (PNA)

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud