Arestado ang isang dating bise alkalde ng Laguna matapos mabawi ng pulisya mula sa kanya ang mahigit 100 gramo shabu at isang hindi lisensiyadong baril, sa Famy, Laguna, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Ronnie Montejo, Laguna Police Provincial Office director, ang suspek na si Amadeo Punio, nagsilbing bise alkalde ng Famy noong 2001 hanggang 2010.

Muling tumakbo si Punio sa pagkakonsehal ng Famy noong Mayo 2013, subalit natalo ito.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Laguna Police ang lugar ni Punio at nakumpiska ng awtoridad ang mahigit 117.65 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P588,250.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nabawi rin ng pulisya kay Punio ang isang shot gun, isang caliber .22 rifle, isang revolver, isang homemade caliber .22 revolver, isang granada, at drug paraphernalia.

Dinampot din ng pulisya ang tatlong kasamahan ni Punio sa bahay na sina Ernesto Silva, Cairo Tamos, at Anna Rose Dadulla. (Danny J. Estacio)