daniel copy copy

KAY Karla Estrada namin unang nabalitaan na magwawakas na ang Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan ng anak niyang si Daniel Padilla at ni Kathryn Bernardo. Although may konting panghihinayang, masaya pa rin si Karla.

“Well, gano’n naman talaga, di ba? Kumbaga, kahit ayaw man natin, eh, tapos na ang kuwento, di ba? Kaya baka mga tatlong weeks na lang, eh, tapos na,” sey ni Ms. Karla nang makausap namin sa dressing room niya sa It’s Showtime na isa siya sa mga hurado sa “Tawag ng Tanghalan”.

Lahad ni Karla, habang papatapos na ang serye ay lalong dumarami ang nagkakainteres na panoorin ito. Marami kasi ang nag-aabang sa magiging reaksiyon ni Yna Macaspac kapag malaman niyang mag-ina pala sila ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) at pati na kung ano ang mararamdaman ni Ian Veneraction na anak pala nila ni Amor si Yna.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kay Karla din namin nalaman na pagkatapos ng Pangako sa ‘Yo ay may tatlong pelikulang gagawin si Daniel under Star Cinema.

Although sinabi na sa kanila kung anu-anong klaseng pelikula at kung sinu-sino ang makakasama ay hindi pa puwedeng isapubliko ang mga detalye. (Jimi Escala)