Enero 27, 1965 nang ilunsad ng American car designer at auto racer na si Carroll Shelby, katuwang ang Ford company, ang Shelby GT 350 car, isang Ford Mustang sports car model. Ito ay pinaaandar ng 306 horsepower V-8 engine.
Opisyal na inilunsad ni Henry Ford II ang unang Ford Mustang sa World’s Fair sa New York noong Abril 17, 1964.
Pumatok ang nasabing sasakyan at nagkaroon ng ilang pagbabago.
Inatasan si Shelby na gumawa ng Mustang na kayang makipagsabayan sa mga karera, sa maikling panahon. Mayroong 526 unit ng Shelby GT350 ang nagawa sa unang taon, at ang isa sa mga original nito ay naibenta ng $374,000.
Nakipagtulungan din si Shelby, na natigil sa karera dahil sa sakit sa puso, sa iba’t ibang car manufacturer katulad ng Chrysler. Umabot sa mahigit 9 na milyong unit ang nagawa at naibenta, ang Ford Mustang models ay nabibili pa rin hanggang ngayon.