MARIAN, DINGDONG AT BABY Z copy copy

TAMA ang ibinalita ni Dingdong Dantes sa isa niyang TV guesting na babalik na sa Sunday Pinasaya sa February si Marian Rivera.

Ang nabalitaan namin, sa February 21, balik na sa Sunday show ang aktres. Ibig sabihin, ibabalik na rin ang kinagiliwang segment niya na Judge MD na kahit si Carla Abellana, nanonood at naaaliw.

Every Sunday lang ang Sunday Pinasaya, kaya tumigil ang haters ni Marian sa sasabihing mapapabayaan nito ang baby nila ni Dingdong na si Baby Z. Saka, nadadala na ni Marian ang anak sa ilang lakad niya, kaya puwede niyang dalhin si Baby Z sa GMA Network.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

In fact, sa necrological service para kay German Moreno na ginawa sa GMA Network, isinama nina Dingdong at Marian si Baby Z, pero iniwan na lang niya sa sasakyan ang baby kasama ang yaya.

Samantala, kinukumpirma namin ang balitang nasa bansa na ang ama ni Marian na si Francisco Javier Gracia para sa binyag ni Babz Z sa first week ng February. Nangako ang ama ni Marian noong ikasal ang anak na babalik sa binyag ng kanyang unang apo na tinupad nga nito. (NITZ MIRALLES)