“I’m happily married!”

Ito ang pahayag ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe-Llamanzares upang pabulaanan ang mga tsismis na siya at ang kanyang mister na si Teodoro Misael “Niel” Llamanzares ay hiwalay na.

Sa panayam sa programang “Ikaw Na Ba?” candidates’ forum sa radyo DzBB, nasorpresa si Poe nang sabihin sa kanya na may umuugong na hiwalay na sila ni Niel Llamanzares.

“Marami na akong narinig na tsismis. Subalit ito ang unang pagkakataong narinig ko na kami ay split na ng husband ko,” ayon kay Poe.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa katunayan, sinabi ng senadora na ipagdiriwang nila ni Niel ngayong 2016 ang kanilang ika-25 anibersaryo ng pagiisang-dibdib.

Nang hilingin ng anchor kay Poe na ilarawan ang kanyang asawa, sinabi ni Poe: “Siya ang pinakapoging First Gentleman sa bansa sakaling ako’y manalo sa pagkapangulo.”

“Second, I think he is the nicest, not only as a First Gentleman, but also as a partner in government, and as a husband,” giit ng senadora.

Aminado naman si Poe na inaalala niya na baka umiwas si Niel na sumama sa kanya sa Malacañang dahil ang kanyang mister ay isang “low key person” na hindi mahilig makialam sa kanyang trabaho. (Hannah L. Torregoza)