Ryan, Johanna, Juday at Lucho copy

HALOS lundagin ni Ryan Agoncillo ang set ng Eat Bulaga at ospital nang makatanggap siya ng tawag na magsisilang na ang asawang si Judy Ann Santos habang nagho-host ng show. 

Ang layo pa naman ng Asian Medical Center (Muntinlupa City) sa Broadway (Quezon City). Mabuti na lang, motorsiklo ang laging ginagamit ni Ryan sa pagpunta sa trabaho, kaya inabutan pa niya ang pagsisilang ni Juday sa kanilang isa pang baby girl, si Juana Luisa na tinawag nilang si Baby Luna.

Bumuhos ang mga pagbati sa mag-asawa mula sa kanilang pamilya, mga kaibigan at fans.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ilang araw din ang lumipas bago ipinakita ni Ryan ang picture ni Juday at ni Baby Luna na bawat makakita ay nagsasabing carbon copy raw ni Juday. Kaya tamang-tama raw dahil kamukha naman ni Ryan ang panganay nilang si Lucho.

Kaya lalong inspired magtrabaho si Ryan sa Eat Bulaga at sa sitcom nila ni Carla Abellana na Ismol Family sa GMA-7 every Sunday.

Noong pre-wedding special nina Vic Sotto at Pauleen Luna, nagbigay ng message ang Dabarkads at si Ryan, ito ang ibinigay niyang message sa mga ikakasal sa January 30:

“Bossing Vic, maraming-maraming salamat, it’s a pleasure working with you and Pauleen dito sa show. Congratulations and best wishes. Ang wish ko sa inyo, sana magkaroon kayo kaagad ng isang baby na magiging bunso ng Eat Bulaga after ni Baby Luna.” (NORA CALDERON)