VATICAN CITY (AP) - Hiniling ni Pope Francis sa mga pulitiko na mag-ingat sa kanilang mga sinasabi at kung paano ito ipinahahayag.

Sa kanyang taunang mensahe para sa World Day of Social Communications ng Simbahan, hinimok ni Francis noong Biyernes ang mga pulitiko at public opinion-makers na gawing inspirasyon ang awa. Sinabi niya na hindi dapat ginagamit ang iba para palalain ang “mistrust, fear and hatred” sa pamamagitan ng mga salita.

“Instead, courage is needed to guide people toward processes of reconciliation. It is precisely such positive and creative boldness which offers real solutions to ancient conflicts and the opportunity to build lasting peace,” ani Pope Francis.

Iprinoklama ni Francis ang 2016 bilang Holy Year of Mercy, upang bigyang-diin ang pagiging mapagpatawad at maawain ng Simbahan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture