IPINAGMALAKI ng isang lalaki na ilang ulit na niyang nabasa ang kabuaang Bibliya. Ngunit sinabi naman ng isa, “Ang mga taong nagbasa ng Bibliya ng cover to cover, tanging cover lamang ang alam.”

Hindi sapat ang magbasa lang ng Bibliya. Nakakabagot ang magbasa ng mga istorya at passages kung ilang ulit na itong nabasa sa loob ng ilang taon.

Ang mas mahalaga ay ang mensahe ng Panginoon o ang kung ano ang nais ng Panginoon at isabuhay mo ang mga ito.

Halimbawa, matapos mong mabasa na magpatawad ka hindi lamang pitong beses, kundi 70 times 7 (ibig sabihin , walang katapusan) o “Huwag lang magnakaw o “Galangin mo ang iyong ama at ina,” kailangan mo itong sundin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May isang kuwento tungkol sa isang pari at kanyang kaibigan na nagmamay-ari ng soap factory. Habang sila ay naglalakad, sinabi ng gumagawa ng sabon na, “Anong maganda sa relihiyon? Tingnan mo ang laganap na kaguluhan, karahasan, at kalungkutan sa mundo matapos ang ilang libong ulit na pagtuturo, homiliya, at pagpapalaganap ng kabutihan, katotohanan at kapayapaan.”

Hindi sumagot ang pari. Patuloy silang naglakad hanggang sa nakita nila ang mga batang naglalaro sa kanal. At sinabi ng pari na, “Tingnan mo ang mga batang iyon. Sabi nila ang sabon ay nakakapagpalinis ng mga dumi sa katawan ng tao, ngunit tingnan mo ang dumi sa katawan ng mga bata. Anong maganda at saysay ng sabon mo?”

Nainsulto ang gumagawa ng sabon at sinabing, “Pero Father, alam mo na walang maidudulot na maganda ang sabon kung hindi ito gagamitin.”

“Tama,” tugon ng pari. “Ganoon din sa mga Kristiyano at mga itinuturo sa kanila. Ito ay walang saysay kung hindi gagamitin at isasabuhay. “

Ang Enero 18-24 ay National Bible Week at magtatapos ngayon, National Bible Sunday, na may temang “God’s Word: Hope for the Family, Strength of the Nation.”

Taong 1979, naniniwala si Marcos na ang Bible ay maaaring makatulong sa moral renewal ng bansa. Iprinoklama niya na kinakailangan ipagdiwang ng bansa ang National Bible Week at National Bible Sunday.

Nakatutuwang malaman na parami nang parami ng mga Katoliko, lalo na sa renewal at charismatic communities, ang gumagawa ng Bibliarasal.

Palagi silang nagsasama-sama at nagbabasa ng passages upang manilay-nilay at isabuhay ang mensahe ng Panginoon.

(Fr. Bel San Luis, SVD)