VATICAN CITY (AP) — Binago ni Pope Francis ang mga regulasyon ng simbahan upang malinaw na payagan ang kababaihan na makikiisa sa ritwal ng paghuhugas ng paa sa Semana Santa, matapos gulatin ang maraming Katoliko sa pagsasagawa ng ritwal kasama ang mga babae at Muslim ilang linggo matapos siyang mahalal.

Ang patakaran ng Vatican sa Huwebes Santo ay humihiling na tanging kalalakihan ang makikiisa. Ang mga nagdaang papa ay tradisyunal na isinasagawa ang ritwal na gumugunita sa paghuhugas ni Jesus sa paa ng mga apostol, sa 12 lalaking Katoliko.

Nitong Huwebes, naglathala ang Vatican ng kautusan mula sa liturgy office nito na nagpapakilala ng “innovation” sa mga patakaran ng simbahan na sumasalamin sa mga pamamaraan ni Pope Francis.

Nakasaad sa kautusan na ang ritwal ay maaari na ngayong gawin sa sinumang “chosen from among the people of God.”

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nilinaw dito na ang grupo ay maaaring kabibilangan ng “men and women, and ideally young and old, healthy and sick, clerical, consecrated and lay.”

Sa kalakip na liham, may petsang Disyembre 20, 2014 ngunit inilabas lamang nitong Huwebes, sinabi ni Pope Francis sa mga pinuno ng liturgy office na nais niya ng pagbabago sa mga kasalukuyang patakaran “to fully express the significance of Jesus’ gesture ... his giving of himself to the end for the salvation of the world and his unending charity.”