Ipinakita ng University of Perpetual Help ang kanilang tunay na lakas sa huling dalawang sets upang maigupo ang Emilio Aguinaldo College, 25-21, 22-25, 19-25, 25-16, 15-11, at maangkin ang ikalawang sunod na juniors title, kahapon sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Kapwa tumapos na may tig-17 puntos sina team captain Jody Margaux Severo at Darwin John Salopaso habang nagdagdag ng 13 puntos ang kakampi nilang si Ivan Encila upang giyahan ang Junior Altas sa pagwalis ng finals series.

“The boys showed heart. We were down but they never panicked and adjusted well,” pahayag ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.

Ang titulo ang ikawalong pangkalahatan ng Perpetual Help, naiiwan ng pitong most winningest team San Sebastian Junior Stags na may 15.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We’re proud of what the team has accomplished,” ayon naman kay Perpetual Help’s Policy Board member Anthony Tamayo.

Matapos matalo sa series opener noong Martes,13-25,18-25,16-25, nakuha pang bumalikawas ng Brigadiers makaraang matalo sa first set kahapon at naipanalo ang sumunod na dalawang sets upang makalamang, 2-1.

Subalit bigo silang mapanatili ang nakuhang momentum nang magsimulang umalagwa ang Junior Altas sa fourth frame.

Nanguna para sa EAC-ICA sina Cee-jay Hicap at Ralph Jopshua Pitogo na napantayan ang gamehigh 17 puntos nina Severo at Salopaso. (Marivic Awian)