DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Mainit ang debate ng Arabic Twitter users matapos sabihin sa isang video ng pinakamataas na cleric ng Saudi Arabia na bawal sa Islam ang larong chess dahil isa itong pagsasayang ng oras at nagsusulong ng agawan at awayan sa mga tao.

Kinutya ng ibang Twitter user si Grand Mufti Sheikh Abdelaziz Al Sheikh, sinabing ang chess ay laro ng matalino kayat ayaw rito ng mga konserbatibong cleric. Pagtatanggol ng iba, maraming Islamic scholar rin ang nagbabalang nakaka-adik ang laro at maaaring maging dahilan upang mawalan ng pokus ang mga tao sa pagdarasal sa Diyos.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina