TINANGGAP ni Batangas Gov. Vilma Santos ang bida-kontrabida role sa Everything About Her dahil naghahanap siya ng bagong putahe.

As Vivian na mataray, off-beat ang karakter na ito kumpara sa dating roles na nagampanan na niya, makakatunggali niya sa aktingan si Angel Locsin (na gaganap bilang kanyang private nurse) at Xian Lim (ang kanyang nag-iisang anak na nagbabalikbayan from the US).

“Impakta!” ang description ng Star for All Seasons sa kanyang bagong role, sabay tawa. “Sa palagay ko baligtad (ng personalidad niya sa tunay na buhay). Si Vivian dito , mukhang impakta, may ugaling impakta, but at the end of the day, may puso.

“Ako, minsan mabait, gracious, pero huwag masyadong itulak dahil lumalaban din ako. So baligtad sa role ni Vivian na kung titingnan mo na kahit impakta it’s one way of proving that you can’t judge a person kahit na sabihin mong nagmumura siya o suplada, hindi, eh. Kahit na anong sama ng tao may puso pa rin ‘yan.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Direk Joyce Bernal ang nag-guide sa kanya sa kanyang mataray na role.

“I was guided by Direk and one perfect example was the first scene I had with Gel (Angel Locsin), hindi kasi kami masyadong magkasundo. May teknik na ginawa si Direk, na ‘pag dumarating kami sa set, ayaw niya ‘yung nag-uusap-usap para hindi kami komportable sa isa’t isa.”

Kaya galit-galit muna sila sa umpisa.

“Oo, pagdating sa set, bawal mag-usap, doon ka muna, bawal magkita. Nag-sorry pa (si Angel), ‘’Tita hindi muna kita mabati’. ‘Tumahimik ka, sige, doon ka muna.’ Kasi bawal kay Direk. Kasi when we see each other sa eksena, talagang mukha siyang bago sa akin, ‘yung ganun ba, walang familiarity.

“Same thing with Xian, kasi ang role niya dito ay galing siya sa States. Darating siya at magkikita kami for so long, hindi kami magkasundo. Same thing sa ginawa ni Direk, hindi rin kami pinagkita no’ng first day. Kahit na no’ng first day may mga metikuloso kaming eksena, imporante, hindi pa rin niya kami pagkikitain. Iri-rehearse niya nang solo si Xian, iri-rehearse niya ako nang solo at maging si Gel, at pagdating sa eksena na lang kami nagkikita-kita,” paglalarawan ni Ate Vi sa teknik ng kanilang director na si Bb. Joyce Bernal.

Challenging para kay Ate Vi ang pagganap bilang bilang masungit, suplada o impakta.

“May matututunan na naman ako dito and at the same time meron na naman akong bagong io-offer coming from me na matagal na sa show business,” pahayag pa ni Gov. Vi. (ADOR SALUTA)