Mag-iimbestiga ang Philippine National Police (PNP) sa napaulat na posibleng nanggaling sa Pilipinas ang mga armas at pampasabog na ginamit sa terror attack sa Jakarta, Indonesia, nitong Enero 14.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na hinihintay na lang nila ang pagdating ng mga dokumento mula sa kanilang counterpart, ang Indonesian police, upang pagbatayan ng kanilang isasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Marquez, mayroon silang umiiral na memorandum of understanding (MoU) sa Indonesian police na tutulong ang PNP anuman ang maging resulta ng pagsisiyasat.

Napaulat na ang mga armas at iba pang kagamitan na ginamit sa Jakarta bombing ay ipinuslit mula sa katimugan ng Pilipinas.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ayon sa ulat ni Anton Charliyan, tagapagsalita ng Indonesian police, “well built” o pulido ang pagkakagawa ng mga armas na sinasabing nagmula sa Pilipinas.

Iimbestigahan din kung totoong ilang Pilipino ang sangkot sa pag-atake sa Jakarta. (Fer Taboy)