julia_montes copy copy

ISA rin pala si Julia Montes sa gusto ng netizens na gumanap bilang Darna dahil bagay din daw bukod siyempre kina Angel Locsin, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Ikino-contest din ang Doble Kara lead star ng mga tagahanga niya na sana raw ay i-consider sa Darna.

Oo nga, puwede naman talaga. ‘Kaso maputi si Julia, di ba, Bossing DMB? Katulad ni Jessy Mendiola na inayawan na ni Direk Erik Matti kasi nga sobrang tisay, e, ang hinahanap na Darna ay Pinay ang features kaya nga pasok sina Liza at Nadine kung sadyang hindi na puwede si Angel.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

But still, si Angel pa rin talaga ang final choice as of now at how true na kaya hindi pa inia-announce ay dahil hihintayin pa ang resulta ng ikalawang procedure ng laser operation nito sa Pebrero pagbalik ng aktres sa Singapore.

Going back to Julia, mas magiging mainit ang laban nina Kara at Sara para sa kanilang karapatan ngayong nasa panig na ni Lucille (Carmina Villarroel) ang inaakala nilang kaibigan na si Alex (Maxene Magalona) sa umeereng kuwento ngayon sa Doble Kara.

Sa tulong ni Alex, isa-isa nang naisasakatuparan ni Lucille ang kanyang mga plano laban sa kambal at isa na nga rito ang pagsali ni Sara sa isang networking business.

Lingid sa kanyang kaalaman ay pakana lamang ni Lucille na patuloy na gagamitin ang pagiging gahaman sa pera ni Sara upang mabawi ang lahat ng minana sa ama.

Ano kaya ang gagawin nina Kara at Sara kapag nalaman nilang kasabwat pala ni Lucille si Alex? Mapagtagumpayan kaya ni Lucille ang kanyang mga plano? (Reggee Bonoan)