Isang nakamamanghang planetary conjunction ang masisilayan sa paghahanay ng Mercury, Venus, Mars, Jupiter at Saturn simula nitong Enero 20, 2016.

Kapag naging maganda ang panahon, masisilayan ng mga tao ang planetary alignment hanggang sa Pebrero 20.

Ang Jupiter ang unang aangat pagkagat ng dilim, habang ang Mars, Saturn, Venus at Mercury ay aangat sa kalaliman ng gabi at sa madaling araw.

Ang lahat ng maliliwanag na planeta ay masisilayan nang walang optical aid ngunit makatutulong ang mga binocular upang mas malinaw na makita ang Mercury.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Ang Venus, ang pinakamaliwanag na planeta, ay madaling masilayan sa timog silangan.

Naging possible ang planetary alignment dahil sa “planets disks that reflect sunlight and these relatively nearby worlds tend to shine with a steadier light than the distant, twinkling stars,” ayon sa EarthSky.org. (PNA)