Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang panloloob sa isang jewelry store, na pinatay ng mga suspek ang security guard ng establisimyento matapos itong manlaban sa 10 holdaper, sa Tagum City, Davao del Norte, nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Tagum City Police Office (TCPO), nangyari ang insidente dakong 9:00 ng umaga sa isang shopping mall sa Tagum City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Gilberto Marin.

Base sa report, pinasok ng mga suspek ang Sherly’s Jewelry at gamit ang maso na binili sa mall ay binasag ang mga salaming eskaparate para makuha ang mga alahas, na inaalam pa ang kabuuang halaga. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog