Sugatan ang isang 18-anyos na estudyante makaraang makursunadahan at saksakin ng ice pick sa likod ng mga lasing na lalaki na kanyang nakasalubong sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isinugod ng kanyang inang si Joan ang biktimang si Robert Aresgado, residente ng 1714 Old Antipolo Street, Sta. Cruz, Maynila, sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) para lapatan ng lunas.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Station 3 na naglalakad ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang makasalubong ang grupo ng suspek na pawang lasing.

Nang makursunadahan, isa sa grupo ang kaagad na bumunot ng ice pick at bigla na lang sinaksak sa likod ang biktima, bago naglakad palayo sa lugar.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bagamat duguan, nakauwi naman sa kanilang bahay ang biktima at isinugod ng kanyang ina sa ospital. - Mary Ann Santiago