Miss Colombia with Pinoys [instagram] copy

TILA naka-move na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa fiasco ng 2015 Miss Universe beauty pageant sa pagpapasalamat niya sa mga Pilipino at pagkain sa isang Filipino restaurant sa Chicago kamakailan.

“Salamat!” sabi ni Adriadna sa isang video post sa Instagram na makikitang napalilibutan niya ng naghihiyawang Filipino customers.

Ang caption: “Thank you so much #Philippines No se pierdan hoy@elgordoylaflaca a las 4pm por@univision @latinwe.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kumain din si Adriadna at ang dalawang lalaking kasama niya ng pansit sa isang restaurant na nagngangalang “Aklan” na itinampok sa American-Spanish language show na El Gordo y La Flaca.

Nakatakdang muling magsama sa isang public appearance sina Adriadna at ang pageant host na si Steve Harvey, matapos ang kontrobersiya sa Miss Universe 2015 noong Disyembre 20.

Ito ang una nilang pagkikita simula nang magkamali si Harvey na paghahayag na si Gutierrez ang nanalo ngunit ang tunay na nagwagi ay si Miss Philippines.

Ayon sa Entertainment Tonight, magaganap ang panayam sa Steve Harvey Show sa Enero 18.

Nagpahayag din si Adriadna noon na labis siyang napahiya sa nangyari.

Sa mga panayam kay Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, sinabi niya na “okay” sila ni Adriadna Gutierrez.

Ayon kay Pia, binati niya si Gutierrez sa kaarawan nito noong Disyembre 25, Araw ng Pasko. (ROBERT REQUINTINA)