Untitled copy

MABUTI naman at kumuha na uli ng Pinoy endorser ang Kamiseta pagkatapos ng sunud-sunod na foreign celebrity endorsers.

Si Kris Aquino na kasi ang bagong endorser/image model ng nasabing clothing line.

Sabi ni Kris sa kanyang post tungkol dito: “Thank you, what an honor after Alicia Silverstone, Natalie Portman, Petra Nemcova, Natalia Vodianova, Kate Hudson and Katie Holmes -- KAMISETA is back with a Filipina endorser.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

#GRATEFUL #ProudPinoy.”

May nabanggit pa si Kris na, “Ang haba ng ligawan, ang daming pinagdaanan, maraming permisong kinailangan hingin -- pero sa huli NAGKATULUYAN. #MeantToBe.”

May follower si Kris na nagtanong kung hindi na siya endorser ng Bench, but as we go to press, hindi pa niya sinasagot ang naturang tanong. Naisip namin na baka isa sa binanggit ni Kris na “maraming permisong kinailangan hingin” ang posibleng paghingi niya ng permiso kay Ben Chan ng Bench para tanggapin ang offer ng Kamiseta, pero mananatili siyang Bench endorser pa rin.

Samantala, ipinagpasalamat ni Kris ang paggaling ni Bimby na nagkasakit pagkabalik nila mula sa bakasyon sa Hawaii.

Na-stress tuloy si Kris at napakain ng bottled tuyo at itlog na pula with kamatis na ipinag-react ng kanyang fans dahil maalat daw ang mga kinakain niya baka tumaas uli ang blood pressure niya. (NITZ MIRALLES)