ISA sa mga staff ng Pangako Sa ‘Yo ang nagbalita sa amin na hiwalay na talaga sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Mismong ang kasa-kasama raw ni Angelica ang nagbanggit sa kanila tungkol dito.

Noong una ay super tanggi pa raw si Angelica pero nang makarating raw sa aktres na may namumuong relasyon ngayon kina John Lloyd at Bea Alonzo ay ang una pa ang nagbulgar sa kasa-kasama tungkol sa ilang linggo nang hiwalayan nila ni Lloydie.

So, tama ang obserbasyon na sinulat ni Ms. Nitz Miralles na hiwalayan nila ni John Lloyd ang nasa likod ng pagpapagupit ng buhok ni Angelica. Tanda nga raw na single na uli ang gumaganap na Madam Claudia sa Pangako Sa ‘Yo.

“Sa totoo lang, nag-umpisa ang Bea Alonzo at John Lloyd romance sa promo ng pelikula nilang A Second Chance.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Kahihiwalay lang kasi noon ni Bea kay Zanjoe at si Lloyde ang sumbungan niya sa mga naging problema nila,” sey pa ng source namin.

Dahil daw sa madalas na seryosohang pag-uusap ng dalawa, nagkadelopan, at presto naging sila na, huh! (JIMI ESCALA)