Nagposte si Tony Parker ng 31 puntos habang nagdagdag naman si LaMarcus Aldridge ng 22 puntos at 13 rebounds nang payukurin ng San Antonio Spurs ang Detroit Pistons 109-99, para sa kanilang ika-9 na sunod na panalo.

Nag-ambag naman si Manu Ginobili ng 15 puntos at si Tim Duncan ng 14 puntos at 9 na rebounds para sa nasabing panalo ng Spurs na magbabalik sa San Antonio kung saan tatangkain nilang palawigin pa ang naitalang 31-game home winning streak sa pagsagupa nila sa Cleveland.

Nanguna si Kentavious Caldwell-Pope para sa Pistons sa kanyang iskor na 25 puntos kasunod si Andre Drummond na may 17 puntos at 10 rebounds.

Lamang pa ang Pistons, 25-24 matapos ang first quarter, ngunit nahirapan ang kanilang mga reserves na mapigil sina Ginobili at Boris Diaw, na nagsanib para magtala ng pinagsamang 19 puntos sa first-half.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinahirapan din ng Spurs ang Pistons sa gitna kung saan maaga nitong pinaupo si Drummond matapos makakuha ng 3 foul sa loob lamang ng 9 na minuto.

Nag-take over si Parker sa third quarter matapos magsalansan ng 14 puntos sa unang limang minuto para palobohin ang kalamangan ng San Antonio, 71-54.

Dahil sa kabiguan, naputol ang nasimulang three-game winning streak ng Pistons.