yeang guiao-pba photo copy copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

7 p.m. San Miguel Beer vs. Rain or Shine

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Guiao, umaangal sa officiating; Austria, sasandigan ang kanilang lalim.

Ngayong naibaba na ang dating best-of-7 series sa best-of-3, umaasa si Rain or Shine coach Yeng Guiao ang magiging patas na tawagan upang magkaroon aniya sila ng pag-asa para sa finals ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kontra defending champion San Miguel Beer.

Magtutuos muli ang dalawang koponan ganap na 7:00 ngayong gabi sa Araneta Coliseum kung saan muli silang mag-uunahan sa pagposte ng bentahe makaraang itabla ng Beermen sa 2-2 ang serye sa pamamagitan ng 105-92 panalo noong Game Four.

“It’s a best of three now .I guess we will make the adjustments in practice. They hit early three’s on us.We also did not get the breaks from the ref,” pahayag ni Guiao.

“We can’t play physical but they can play physical on us.We really did not have a chance in this ballgame lalo na kung ganun tawagan and it’s getting worse.I was hoping it will get better but apparently it did not.They came to practice and explained everything to us.Anyway, it’s even let’s see what happens,” dagdag nito.

Gayunman, naniniwala si Guiao na maganda pa rin ang tinatakbo ng serye at batid nilang kaya nilang talunin ang SMB.

Ngunit sa puntong ito ay kinakailangan na aniya ng consistency sa officiating.

Aminado rin si Guiao na naramdaman nila ang hindi paglalaro nina Jericho Cruz at Raymund Almazan noong Game Four.si Jericho bilang best finisher nila sa kanilang mga run-and-gun play at si Raymond sa presensiya nito sa ilalim partikular sa pagkuha ng rebound.

Bagamat meron pang pasubali, inaasahan ni Guiao na makakayang lumaro ni Almazan sa susunod nilang laban.

“Good news there’s no major damage on his knee. I’ll just ask him in practice if he wants and if he can play.Hyper extended lang yung knee nya.It doesn’t need operation, rest lang’” ayon pa kay Guiao.

Para naman sa kampo ng kanilang katunggali, naniniwala naman si San Miguel Beer coach Leo Austria na ang patuloy na pag-aalab ng kagustuhan ng kanyang mga manlalaro na magwagi ang pinakamahalaga lalo ngayong nasa final stretch na ang kanilang serye.

Nakatulong din aniya ang natamo nilang malaking pagkatalo noong Game Three na nagbigay-daan upang makapag-usap-usap ang lahat ng miyembro ng team at makapagbigay ng kani-kanilang opinyon.

“Yung Game Three lahat nagsalita, everyone gave their opinion,”wika ni Austria. “Rain or Shine keeps on adjusting, marami pang barahang ilalabas si coach Yeng.But more importantly yung desire ng player na manalo nagkaroon sila ng sense of urgency.I think it’s evident today na too many players in double digits,” dagdag nito na tinutukoy ang limang manlalaro niyang nagtapos na may double figure na sina Junemar Fajardo-33, Marcio Lassiter-20, Arwind Santos-19, Chris Ross-13 at Alex Cabagnot-12.

Bukod dito, nais din ni Austria na manatili silang madiskarte sa laro at maibalik ang dating tatak ng Beermen na isang malaking palaisipan sa kalaban kung sinong player ang magpi-perform kada laban. (MARIVIC AWITAN)