Angel-Locsin-Darna-2014 copy copy

TIYAK na malulungkot ang supporters ni Liza Soberano dahil laglag na siya bilang Darna sa bagong pelikula ng Pinay superheroine na gagawin ng Star Cinema.

Yes, Bossing DMB, nanggaling mismo sa source natin sa ABS-CBN na hindi puwede sa naturang project ang alaga ni Katotong Ogie Diaz dahil magiging abala siya sa serye nila ni Enrique Gil.

Imposible raw mapagsabay ni Liza ang taping ng serye at shooting ng Darna na magiging madugo dahil sa mga action scene.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nabanggit pa na mas bagay daw kay Liza ang Wonder Woman dahil nga tisay siya samantalang Pinay beauty si Darna.

Si Liza ang ikalawang nanalo sa isinagawang survey kung sino ang gusto ng netizens na gumanap bilang Darna bukod kay Angel Locsin.

Yes, Bossing DMB, si Angel pa rin ang number one choice ng lahat para gumanap bilang Darna at kaya pala sadyang ipinakita ang teaser nito sa mga sinehan habang Metro Manila Film Festival ay para makuha ang feedback ng tao.

Ang the winner is, Angel Locsin!

Yes, siya pa rin ang gaganap na Darna sa pelikula ngayong 2016, abangan! (REGGEE BONOAN)