Princess Superal copy

Kagagaling pa lamang sa isang kampeonato nitong nakaraang Linggo, mataas ang kumpiyansa ni Princess Superal na magwawakas na ang pagdomina ng mga banyagang manlalaro sa pagsisimula ng Philippine Ladies Open Golf Championship ngayong Enero.

Nakatakdang pamunaun ni Superal ang listahan ng mga lokal na lady golfers na sasabak sa 54-hole tournament sa darating na Enero 20-22 sa Tagaytay Highlands Golf and Country Club.

Si Superal, dating kampeon sa US Girls’ Open, ay nagwagi na ng ilang titulo sa Ladies Philippine Golf Tour at nitong nakaraang Linggo lang ay muling nagningning nang manalo sa Hong Kong Ladies Amateur Open.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Midlands is a tough course so we have to prepare hard and hopefully end Thailand’s domination,” ani Superal, na tumapos lamang sa ikapitong pwesto sa Philippine Ladies Open Golf Championship noong nakaraang taon sa panayam dito ng Spin.ph..

Ang Philippine Ladies Open Golf Championship 2015 ay dinomina ni Pimnipa Panthong ng Thailand matapos ang magkasunod na panalo ng kababayang si Supamas Sangchan noong 2013 at 2014.

Maliban kay Superal, inaasahan naman na lalahok din sina Harmie Constantino, ang kampeon sa Philippine Amateur Stroke Play Championship noong nakaraang linggo, kasama pa sina Sofia Chabon, Abby Arevalo, Sam Martirez, Mikha Fortuna, Pauline del Rosario, Yuka Saso, Felicia Medalla at dating Junior World champion Daniella Uy sa torneong inorganisa ng Women’s Golf Association of the Philippines. (MARTIN A. SADONGDONG)