Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang dalaga matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Mejie Moreno, 28, ng No. 260 North Diversion Road, Bagong Barrio, dahil sa tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

Sa report ni PO2 Cesar Garcia, dakong 2:00 ng umaga nang mangyari ang krimen sa Zamboanga Street at Bukidnon Alley sa Bgy. 153, Caloocan City.

Bago ang insidente, nag-iinuman ang ina ng biktima at kaibigang si April Capillo sa loob ng bahay ng una nang nagpaalam si Capillo na may pupuntahan at babalik din agad.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Makalipas ang ilang oras, tumawag si Capillo sa biktima at sinabing sunduin siya sa Zamboanga St., at sinundo naman ito ng biktima.

Habang naglalakad, humiwalay ng direksiyon si Capillo at dumiretso naman sa bahay si Moreno hanggang sa barilin ito.

Hinahanap na ng mga pulis si Capillo upang maimbestigahan. - Orly L. Barcala