Arestado ang isang construction worker dahil sa umano’y pangmomolestiya sa isang 6-anyos na babae sa Caloocan City, noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rutchel Bigontes, 25 habang ang biktima ay isang Kinder 2 pupil sa isang Katolikong paaralan sa Caloocan City.

Lumitaw sa imbestigasyon na tinawag ng suspek ang biktima sa isang sulok ng paaralan, na roon siya nagtatrabaho bilang construction worker, nitong Sabado ng umaga.

Ikinuwento ng paslit na binigyan muna siya ni Bigontes ng dalawang piso bago ipinasok ang daliri nito sa ari ng bata.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Tinawag po n’ya ako at binigyan ng pera. Tapos po ay puwersahan niyang ipinasok ang daliri niya sa ari ko. Napaiyak na lang po ako sa sobrang sakit,” pahayag ng biktima sa mga imbestigador.

Matapos magsumbong hinggil sa pangmomolestiya, agad na sinamahan ng mga magulang ang biktima sa himpilan ng pulisya sa Caloocan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Bigontes sa loob ng paaralan, dakong 6:00 ng gabi noong Sabado.

Todo tanggi naman ang suspek na minolestiya niya ang paslit nang kumprontahin ng mga pulis dahil nakipaglaro lang daw siya sa biktima. - Jel Santos