Magpapatupad muli ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road re-blocking sa ilang lugar sa Metro Manila, kaya asahan ang matinding traffic ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa rekomendasyon ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro, apektado ng road re-blocking ang southbound lane ng EDSA, sa pagitan ng Mother Ignacia at Eugenio Lopez Streets sa unang lane mula sa sidewalk nito, bahagi ng C-5 Road, mula sa Shell Gas Station hanggang sa SM Warehouse Gate 2, outermost lane sa northbound lane, at ang bahagi ng EDSA sa harap ng DPWH-QCSED, second lane mula sa sidewalk.

Sinimulan ang proyekto dakong 10:00 ng gabi nitong Biyernes at maaari nang madaanan ng motorista ang mga lugar dakong 5:00 ng umaga bukas, Lunes, Enero 11.

Pinayuhan ni MMDA Chairman Emerson Carlos ang mga motorista na iwasan muna ang mga apektadong lugar ngayong weekend upang hindi maabala ng traffic. (Bella Gamotea)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho