v
Ang SWS survey na isinagawa noong Disyembre 5-8, 2015 ay lumalabas na 50% ng 1,200 respondent ay katumbas ng 11.2 milyong pamilya. Kung tutuusin ito Mr. Lacierda, na ang bawat pamilya ay may limang miyembro (ama at ina at tatlong anak), nangangahulugang may 56 milyong pamilyang Pilipino ay dumaranas pa rin ng kahirapan, gutom at pagtitiis.
Hinihiling nina 2013 defeated senatorial bet Rizalito David at Prof. Antonio Contreras sa Supreme Court na huwag pagbigyan ang apela ni Sen. Grace Poe na pag-isahin na lamang ang kasong diskuwalipikasyon laban sa kanya sa Senate Electoral Tribunal (SET) at sa Commission on Elections (Comelec). Sa kanilang argumento, sinabi nila na ang dalawang petisyon ay magkaiba at may magkaibang resulta sa SET at sa Comelec. Bakit ang tatlong disqualifcation case na inihain laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay pinayagang ma-consolidate?
Nagtataka ang kaibigan kong senior-jogger kung bakit gigil na gigil sina David at Contreras na madiskuwalipika si Amazing Grace sa pagtakbo sa panguluhan sa 2016. Galit ba sila kay Sen. Poe na isang foundling? Totoo ba na ang kanilang layunin ay masunod ang Constitution na ang dapat maging pangulo ng bansa ay isang natural-born Filipino citizen at hindi isang dayuhan? O may personal silang motibo sa DQ?
Samantala, si Estrella Elamparo naman na dating counsel ng GSIS ay kaibigan umano ni ex-DILG Sec. Mar Roxas. Sina Contreras yata at ex-UE dean of law Amado Valdez ay para lang sa pagtalima sa batas. Eh kung ganoon, patunayan ninyo na si Sen. Grace ay isang dayuhan at kulang ang kanyang paninirahan sa Pilipinas.
Nagmamalaki ang North Korea na matagumpay ang paglulunsad nito ng hydrogen bomb test. Kaagad nag-react ang mga kalapit-bansang South Korea at Japan, kinondena ito at sinabing paglabag ito sa UN Security Council resolutions.
Maging ang kaalyadong China at Russia ay nagpahayag ng pagkabahala at pagkontra sa nasabing hydrogen bomb test.
(BERT DE GUZMAN)